By

Indian national na may mga kaso, nalambat sa Makati

Sharing is caring!

Hindi na nakapalag ang isang Indian national nang matunton siya ng mga awtoridad sa kanyang safehouse sa Makati City kamakalawa.

Nabatid na si Reddy Koyanna Venugopal Krishna ay kabilang sa mga undesirable alien ng Bureau of Immigration (BI).

Siya ay inaresto sa Gen. Luna St., sa lungsod.

Ilan lang sa mga kasong kinahaharap ni Krishna ay acts of lasciviousness, estafa at kidnapping.

Nasa kustodiya na ngayon ng BI si Krishna samantalang hinahanap na ang kanyang kasabwat sa mga kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?