42

Jul 19, 2021 @ 15:03
By

Indian na tinakot ex-gf, arestado

Arestado ang isang Indian national sa San Mateo, Rizal nitong Linggo matapos umano nitong bantaan ang kanyang dating kasintahan na ipopost ang kanilang mga sex video kapag hindi na ito nakipagkita sa kanya.

Kinilala ang suspek na si Gurmet Singh, na kilala rin sa alyas na Tony Kasel.

Ayon sa pulisya, nagtungo sa kanilang tanggapan ang biktima dakong alas-10:30 p.m. ng gabi para magsumbong.

Kwento umano ng biktima, hiwalay na sila ng suspek, ngunit pinipilit pa raw siya nitong makipagkita at makipagtalik sa kanya. Kung hindi umano niya ito gagawin ay ia-upload ni Singh sa social media ang kanilang mga sex video.

Binantaan rin umano ang biktima na papatayin ang kanyang mga anak kapag hindi siya pumayag sa gusto ng suspek.

Sinetup ang suspek kung saan nagkunwaring makikipagkita ang biktima sa kanya sa isang fastfood chain sa Antipolo. Dito na siya nadakip.

Hinahanda na ang mga kasong pwedeng isampa laban kay Singh.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?