303

Dec 3, 2017 @ 10:01

Indian ikinulong dahil sa mabahong medyas

Inaresto ng mga pulis ang isang Indian dahil sa amoy bulok na medyas nito matapos komprontahin ng kapwa niya sa pasahero sa isang bus sa New Delhi.

Ayon sa report ng BBC, inireklamo si Prakash Kumar, 27, ng “causing a public nuisance” dahil sa nilikha nitong gulo bunsod nang mabaho niyang medyas.

Nangyari ang insidente habang sakay si Krumar ng isang pampasaherong bus patungo sa New Delhi.

Habang nasa biyahe, biglang tinanggal ni Krumar ang kanyang sapatos gayundin ang mga medyas nito.

Dahil sa masamang amoy, hiniling ng ibang mga pasahero ng bus kay Krumar na ilagay na lang sa loob ng kanyang bag o di kaya ay itapon na lang sa binta ang kanyang medyas.

Subalit tumanggi si Krumar hanggang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa loob ng bus.

Para matigil ang awayan, itinigil ng bus driver ang sasakyan sa harap ng police station kung saan inireklamo ng mga pasahero si Krumar.

Subalit sa report ng Hindustan Times, sinabi umano ni Krumar na hindi mabao ang kanyang medyas at iginiit na inaway na lang siya ng ilang mga pasahero ng walang kadahilanan.

Naisampa na sa korte ang reklamo at nakalaya naman si Krumar matapos maglagak ng piyansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?