125

Nov 28, 2021 @ 21:02
By

India gayahin para matulungan maliliit na negosyo – Salceda

Pinag-aaralan ni House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda ang ginawa ng gobyerno ng India upang matulungan ang mga maliliit na negosyo nito na naapektuhan ng pandemya.

Sa kanyang talumpati sa mga miyembro ng Federation of Indian Chambers of Commerce and Industry (FICCI) noong Sabado, sinabi ni Salceda na maaaring mas maraming investment mula sa India ang pumasok sa bansa dahil sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.

“I am particularly interested in the tech-driven enterprises that are now rising in your country,” sabi ni Salceda.

Ayon kay Salceda, ang India ang isa sa mga bansa na may pinakamataas na bilang ng start-up center sunod sa Estados Unidos.

“I am convinced that it will drive your country’s economic future. CREATE wants these enterprises, specifically. We incentivize research and development, technology transfer, training, and the acquisition of technology. Higher-order tech enterprises are also at the highest industry tiers in CREATE. In short, we want these enterprises to locate here,” sabi ng solon.

Sa panahon ng COVID-19 pandemic ay gumawa umano ng programa ang gobyerno ng India upang umusbong ang mga maliliit na negosyo at pinag-aaralan na ito ngayon ng kanyang tanggapan para magawa rin ito sa bansa.

“During the pandemic, India undertook a fund-of-funds scheme to capitalize startups while hedging the risks of this capital exposure to the government. It’s an innovative model. My office is studying the creation of the SMEs of the Future Act, which will create the framework for a similar mechanism in the Philippines. I welcome your inputs in this regard,” paliwanag ni Salceda.

Sa Salceda ay ginawaran ng Golden Peacock Award of Excellence in Government Service, ang pinakamataas na award na ibinibigay ng organisasyon sa isang opisyal ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: