11

Jun 11, 2021 @ 17:40
By

Independence Day magiging maulan

Magiging maulap at maulan sa ilang bahagi ng bansa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Sabado, June 12.

Ayon sa Pagasa, magiging maaliwalas ang panahon sa Luzon, kabilang ang Metro Manila, sa umaga pero magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan pagdating ng hapon.

Samantala, sa pangkalahatan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mga ulan ang Visayas at Mindanao dahil sa “monsoon trough”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?