795

Oct 7, 2021 @ 10:41
By

Inday Sara tinalikuran na presidential bid, gustong tapusin huling termino bilang Davao City mayor

“Masakit din para sa aking damdamin na sana’y magpaubaya sa mga kaibigan na hindi ko maibigay ang gusto ninyo.”

Ito ang naging pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Miyerkoles para sa kanyang mga tagasuporta na humihirit na ikonsidera niya ang pagtakbo bilang lider ng bansa sa darating na eleksiyon sa susunod na taon.

https://fb.watch/8t-X_xQ8GK/

“Gusto ko po sana tapusin muna ang huli kong termino sa Mayor bago ako manungkulan sa ibang position,” pagpapatuloy niya.

“Madami sa inyo ang nasasaktan, sumama ang loob at nawalan ng pag-asa pero puwede pa rin tayo magtulungan para sa ating bayan, di kailangan ng position, di kailangan ng tayo ay Pangulo upang makatulong. Gawin natin ang pagtulong sa kapwa sa araw-araw natin na pamumuhay.”

Nito lamang Sabaado nang maghain siya ng re-election bilang alkalde ng Davao City. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?