31

Jul 18, 2021 @ 21:21
By

Inday Sara pinangtanggol mga biyahe

Ipinagtanggol ni Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Linggo ang kanyang mga biyahe sa iba’-ibang bahagi ng bansa habang ang kanyang nasasakupan na Davao City ay tumataas pa rin ang kaso ng COVID.

Ayon kay Duterte-Carpio, kailangan niya ng matibay na desisyon tungkol sa 2022 kahit nariyan pa ang pandemya.

“It is true that there is a pandemic but it will not suspend the filing of COCs (certificates of candidacy) in October or postpone the elections on May 2022. A decision has to be made regarding my political career with or without the pandemic,” wika ni Duterte-Carpio.

“This pandemic will last 2-3 years and Covid-19 will be become endemic, I have to be resilient. I have divided my entire week between my work as Mayor, my politics, and my family.”

Dagdag pa niya, sinigurado naman niya na sa kanyang pag-alis ay marami ang hahalili at gaganap sa mga trabahong kanyang pansamantalang naiwan.

“It is only my person who leaves the city 3 days a week and in my stead, you are with our Vice Mayor and the entire strength of all the departments of the City Hall to make sure that operations and services are uninterrupted,” dagdag pa ng alkalde.

Ilan sa mga pinuntahan ni Duterte-Carpio sa kanyang mga biyahe sina dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa Pasay City, Governor Gwen Garcia sa Cebu at Mayor Beng Climaco sa Zamboanga City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?