120

Jan 24, 2020 @ 21:26
By

Inday Sara nasa US sa gitna ng banta ni Duterte na ibabasura ang VFA

Nasa Amerika si Davao City Mayor Sara Duterte para sa leadership training program ng US State Department tungkol sa “preventing and countering terrorism”.

Sa kabila ito ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na wawakasan ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng Amerika at Pilipinas kapag hindi inayos ang kinanselang US visa ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Kasama ng alkalde si Mayor Beng Climaco ng Zamboanga City na participant din sa International Visitor Leadership Program na nakatakda ng Enero 21-28.

Binahagi sa social media ni State Department Policy Adviser for Countering Terrorism Recruitment Michael Duffin ang mga litrato nina Mayor Duterte at Climaco habang nakikipag-usap kay Louisville, Kentucky Mayor Greg Fischer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?