55

Jan 9, 2022 @ 16:48
By

Inday Sara magbubukas ng sariling talk show

Sa Lunes ay sisimulan ni UniTeam vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ang “Sara All For You” talk show.

Ayon sa Hugpong Ng Pagbabago, tatalakayin sa online program ang samu’t saring topic mula sa gobyerno at serbisyo publiko, kalusugan politika, entertainment, pagkain, at kalikasan.

Ang isang oras na programa ay mapapanood sa Mayor Inday Sara Duterte Facebook page at Inday Sara Duterte YouTube channel mula alas-11 ng umaga Lunes hanggang Biyernes.

Makakasama ang alkalde sa programa ang Davao City-based veteran broadcast journalist na si Tek Ocampo.

Si dating presidential spokesperson at UniTeam senatorial candidate Harry Roque ang unang guest ng programa para sa political segment.

Si Dr. Michelle Schlosser, spokesperson ng Davao City Task-force for COVID-19, naman ang tatalakay sa estado ng COVID-19 sa Davao City at ang mga hakbang na ginagawa ng lungsod para mapigilan ang pagkalat nito. (Billy Begas)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?