60

Sep 7, 2021 @ 15:33

Inday Sara: Herd immunity vs COVID abot-kamay na ng Davao!

Masayang ibinahagi ni Davao City Mayor Sara Duterte ang isang good news sa mga Dabawenyos.

Sambit niya, kalahating milyon na kasi sa kanilang lungsod ang nabakunahan na kontra COVID-19.

“Good news mga Dabawenyos! Tayo po ay nakalampas na sa kalahating milyon na mga dabawenyong nakapagpa-bakuna ng 1st dose ng anti-Covid-19 vaccine,” saad niya sa kanyang post nitong Lunes.

Aniya, nangangalahati na sila sa kanilang target na mabakunahan na ibig sabihin ay malapit na nilang maabot ang kanilang inaasam na herd immunity.

“Sa datos na ito, tayo ay nasa 50 percent na ng ating target na 1.2 million herd immunity,” dagdag pa niya.

Matatandaang ipinatupad ng alkalde noong Agosto ang curfew at liqour ban sa Davao City na magtatagal hanggang sa katapusan ng taon bunsod ng pangambang sumunod ang kanyang lungsod sa COVID spike na naranasan noon ng Metro Manila at Cebu.

BASAHIN: Curfew, liquor ban ikakasa sa Davao City hanggang Disyembre 31 – Mayor Duterte

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?