298
Palay NFA
Mar 1, 2018 @ 9:14
By

Increase sa presyo ng palay inihirit

Hiniling kahapon ni dating Deaprtment of Agrarian Reform (DAR) secretary at Bantay Bigas Convenor Rafael Mariano na payagan ng National Food Authority (NFA) Council na taasan ang presyo ng binibiling palay mula sa mga magsasaka upang matugunan ang problema sa kawalan ng supply ng NFA rice.

Ayon kay Mariano, hindi na tatagal ang problema sa kawalan ng stock ng NFA rice kung kagyat din ang aksiyon ng NFA Council, ani Mariano, maari naman agad na tugunan ang kakulangan sa NFA kung papayag ang NFA Council na itaas sa P18 hanggang P20 kada kilo ang binibiling palay sa mga magsasaka sa halip na P17 na tinututulan ng mga magsasaka.

Ani Mariano, sa Hunyo pa ang dating ng 250,000 metric tons ng bigas na in-import kaya sa loob umano ng tatlong buwan na walang gagawing aksiyon ang NFA Council ay tiyak na lolobo na ang presyo ng bigas sa merkado.

“NFA Council should convene an emergency meeting to discuss a possible provisional increase of their buying price.

Aminado si Mariano na mayroong domino effect kung agad na itataas ang presyo ng binibiling bigas ng NFA sa mga magsasaka mula P17 patungong P20 subalit kung provisional lamang o panandalian ang gagawing pagtaas ay wala siyang nakikitang problema.

“Once the NFA has replenished its buffer stock with enough volume to influence the price of rice in the market, then they can bring it back to P17,” paliwanag ni Mariano.

Samantala, iminungkahi naman ni Laban Konsyumer President Victorio Dimagiba sa pamahalaan na magkaroon ng suggested retail price (SRP) sa regular-milled at well-milled rice upang maiwasan ang paglobo pa ng presyo ng commercial rice sa merkado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?