346

By

‘Incompetent comment’ ni Duterte kay VP Leni, hindi insulto – Palasyo

Sharing is caring!

Ipinagtanggol ng Malacañang ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘incompetent’ si Vice-President Leni Robredo kaya wala siyang balak na ipagkatiwala sa kanya ang gobyerno kapag bumaba ito ng mas maaga sa puwesto.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na maituturing na “objective assessment” ito ng Pangulo batay sa kanyang 40 taong karanasan sa pagsisilbi sa gobyerno.

Limang taon pa lamang ang karanasan ni Vice-President Robredo sa gobyerno, kumpara sa 40 taon ng Presidente at wala aniyang malisya sa naging assessment nito.

Dapat aniyang tingnan ng bise presidente ang merito ng naging pahayag pahayag ng Presidente sa halip na magbalat-sibuyas ito.

“It’s not an insult. It’s just a frank, honest, objective assessment of the President. Otherwise, hindi na niya hihingin na iyong ttansition leader should be elected, if he feels that the country will be safe in the hands of the Vice-President. So yun lang po, it’s an honest assessment,” ani Roque.

Kasabay nito sinagot ng kalihim ang ganting-banat ni Robredo na sa halip na pagtuunan ng Presidente ang pang-iinsulto ay pagtuunan na lamang nito ang ekonomiya.

Sinabi ni Roque na walang problema ang ekonomiya at patunay dito ang pagiging pangalawa ng Pilipinas sa pinakamabilis na paglago sa buong mundo, at ang pagtaas aniya ng inflation ay dahil sa pagtas ng presyo ng krudo at hindi dahil sa ano pa man.

“Wala po tayong problema sa ekonomiya. We are the second fastest growing economy in the world, level of optimism is all time high, manufacturing outout is all time high,” pagmamalaki ni Roque. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?