17

Nov 19, 2021 @ 11:28
By

Inclusive education bill ipasa na – CHR

Nanawagan ang Commission on Human Rights sa Kongreso na pabilisin ang pagpasa ng panukalang batas na naglalayong tiyakin
ang pantay na oportunidad para sa mga mag-aaral na may special needs.

Ang Instituting Services for Learners with Disabilities Bil ay pumasa sa huling pagbasa sa Senado at House of Representative at kasalukuyang hawak ng bicameral conference committee.

Ito ay naglalayong magdagdag ng inclusive education training para sa mga guro, magtatag ng inclusive learning resource centers sa bawat distrito ng paaralan, at maglikha ng mga learning materials na angkop para sa mga mag-aaral na may mga kapansanan.

Binigyang-diin ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na karamihan sa 5.5 milyong mag-aaral na may mga kapansanan sa bansa ay may limitadong access sa edukasyon.

“The said bill will enable Learners with Disabilities to develop their full potential and gain equal access to opportunities so they will not be left behind in these fast-changing times,” ani De Guia. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?