1,183

Feb 24, 2020 @ 16:28
By

Inawat pa ni Vic! Mommy Divine nag-eskandalo sa Sarah-Matteo wedding

Umeksena at nagsisigaw diumano ang nanay ni Sarah Geronimo sa tinagong kasal ng anak kay Matteo Guidicelli.

Sabi ng source ni ABS-CBN journalist MJ Felipe, kinailangan pang pumunta ni VIVA founder Vic del Rosario para pigilan ang pagwawala ni Mommy Divine.

Gayunman, natuloy pa rin naman aniya ang kasal ng AshMatt.

“So nakita niya na something really happened, may shouting na naganap, talagang inaawat, pinipigilan. At ang kuwento pa sa akin ng source ko, I don’t know if this is true, kailangan pang dumating ni Boss Vic para pigilan si Mommy Divine,” sey ni MJ sa kanyang radio show “OMJ!” sa DZMM nitong Sabado, Pebrero 22.

“I will not reveal my source, siyempre, pero nakuha ko talaga ‘yung yes, natuloy ang kasal. Noon pa lang pa nakapagbigay ng go-signal sa lahat,” sabi ni Felipe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?