mark-tolentino-dotr
By

Inasal ni Usec. Mark Tolentino, hindi dapat kunsitihin – DOTr

Sharing is caring!

Sinusuportahan ng Department of Transportation ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Assistant Secretary Mark Tolentino.

Sa inilabas na pahayag ng DOTr, hindi nila kinukunsinti ang mga naging kuwestiyonableng hakbangin ni Tolentino, kasama na ang paggamit sa Unang Pamilya kaugnay sa Mindanao Railway Project.

Iginiit na hindi rin uubra ang paghingi ng tulong ng Pangulo at ng mga taong malalapit sa kanya sa mga panpublikong proyekto para sa pampersonal na interes.

Tiniyak din ng DOTr na on schedule ang Mindanao Railway project dahil kabilang ito sa priority projects sa ilalim ng Build, Build, Build program ng administrasyong-Duterte.

Ito ay inaasahan na matatapos bago ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte sa 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?