28

May 10, 2021 @ 13:58
By

Inarestong makata tinanggal lamanloob

Patay ang isang makata matapos itong ikulong sa Myanmar.

Inaresto si Khen Thi, isang kilalang poet na ang mga akda ay kontra sa military junta sa Myanmar, noong Sabado.

Ayon sa asawa ni Thi na si Chaw Su, dinala sila ng mga pulis at sundalo sa isang bayan sa Shwebo, kung saan doon sila kinuwestiyon.

Pinalaya ang misis ng makata, ngunit bangkay na si Thi nang ipakita kay Su kung saan napansin nito na tinanggal na ang mga lamanloob ng kanyang mister.

“They called me in the morning and told me to meet him at the hospital in Monywa. I thought it was just for a broken arm or something … But when I arrived here, he was at the morgue and his internal organs were taken out,” ayon sa report ng BBC Burmese.

Ayon sa ospital, namatay daw si Thi dahil sa sakit sa puso, ngunit iginiit ni Su na nagsisinungaling ang mga tumingin sa kanyang asawa.

Si Thi ang ikatlong makata sa Myanmar na pinaslang buhat noong magsimula ang kudeta sa naturang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,