46

Inarestong Australian missionary, pinakawalan na ng BI

Sharing is caring!

Sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na pinalaya na nito si Sister Patricia Fox, ang Australyanang madre na inaresto ng kagawaran, matapos mapatunayan na dokumentado itong banyaga.

Ayon sa BI, pinakawalan si Fox “for further investigation” para sa pagkakasangkot nito sa partisan political activities.

Matatandaang ilang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umalma sa pag-aresto at pagpigil ng BI sa 71-anyos na madre dahil sa pagsama umano nito sa mga rally at political activities.

Si Immigration Commissioner Jaime Morente umano ang nag-apruba sa rekomendasyon ng BI legal division na pakawalan si Fox at isailalim pa sa masusing imbestigasyon matapos mapatunayang may balidong missionary visa ang nasabing madre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?