98
Babaeng escort timbog sa panghuhuthot sa banyaga
May 18, 2019 @ 11:44
By

Inang nagtutulak ng droga para may pangkain ang mga anak, huli sa buy-bust

Kapakanan umano ng mga anak ang nagtulak sa isang 44-anyos na ina para magbenta ng shabu ang inaresto ng Pasig Police sa ikinasang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Barangay Palatiw.

Nakilala ang suspek na si Helen Maribel y Arcilla, walang trabaho at residente ng Barangay Palatiw, Pasig City na nakakulong ngayon sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), isinagawa ang buy-bust operation bandang 11:00 Biyernes ng gabi sa kahabaan ng Evangelista Compound, Barangay Palatiw matapos makatanggap ng tip ang mga tauhan ng station drug enforcement unit (SDEU) sa ilegal na pagbebenta ng droga ng suspek.

Nahuli ang suspek matapos magbenta ng shabu sa isang pulis na umaktong buyer at nakuha ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu at Php 200 buy-bust money.

Paliwanag pa ng suspek na pangkain umano ng kanyang pamilya ang kinikita niya sa pagbebenta ng shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?