45

Apr 7, 2021 @ 13:11
By

Inamin relasyon nila ni Julia, Gerald nabunutan ng tinik

Pakiramdam ni Gerald Anderson, kailangan niya talaga kumpirmahin sa madla ang pagmamahalan nila ni Julia Barretto.

Bumuti aniya ang lagay niya matapos ang rebelasyon.

Sa online media launch ng ‘Init sa Magdamag,’ tinanong ang aktor kung anong nabago matapos ang one-on-one interview niya kay Boy Abunda last month.

“Personally, it’s just something na parang naramdaman ko na kailangan ko nang gawin for peace of mind. Nabunutan ako ng tinik,” sey ni Anderson, 32.

“After that, wala, tuloy lang ang buhay. Merong mas malalaking problema na hinaharap natin lahat kaysa yung interview ko kay Tito Boy.”

“But personally, it’s just something na I had to do. And move on na,” dagdag niya.

Noong 2019, sentro ng intriga ang hiwalayang Gerald at Bea Alonzo, at ang pagkakaugnay ng aktor sa “Between Maybes” co-star nitong si Julia, 24.

Tinanggi noon nina Gerald at Julia na may namamagitan sa kanila, pero nitong Marso 2021 ay kinumpirma ng lalaki na sila na nga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?