38

Jan 12, 2022 @ 19:24
By

Inabandonang baby mabibigyan na ng birth certificate

Maaari nang makakuha ng birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga inabandonang sanggol o bata.

Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, sa kasalukuyan, nagbibigay lamang ang PSA ng tinatawag na “certificate of foundling” sa mga nakarehistro na may unknown parents.

Pero sa ilalim ng memorandum circular na inisyu ng PSA noong nakaraang Disyembre, ang mga inabandona ng mga magulang ay maaari nang magkaroon ng certificate of live birth basta’t ang kanyang pagpaparehistro ay gagawin ng isang accredited social worker.

Anang PSA, dahil sa pagbibigay ng birth certificate sa mga walang kilalang magulang, libu-libong mga bata ang magkakaroon ng pantay na access sa lahat ng mga oportunidad at serbisyo lalo na sa pag-enroll sa pagpasok sa paaralan, aplikasyon para sa pasaporte, pag-aaplay para sa mga trabaho at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?