81

Jan 21, 2021 @ 21:54
By

Ina Raymundo ‘immortal’

Tila hindi tinatablan ng katandaan ang aktres na si Ina Raymundo!

Ito ay matapos niyang ibahagi sa kanyang Instagram ang mga throwback picture niya noong 2015.

“#Throwback #2015,” saad niya sa caption ng naturang post.

Aniya, ito ang kanyang mga paboritong black and white na mga litrato.

Pinasalamatan naman ni Raymuno ang photographer na si Mark Nicdao para sa kanyang magagandang kuha.

Taong 2015 nang i-release ang mga naturang litrato para sa magazine na FHM.

Una nang napuna ng mga netizen ang kanyang mga anak na sina Jakob at Erika dahil sa magagandang lahi nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?