7,431

Oct 18, 2019 @ 18:16
By

Ina Raymundo, dinepensa ang malaking boobs ni Erika

Sa kabila ng nag-uumapaw na kaseksihan at kagandahan, hindi nakaligtas sa mga basher ang anak na babae ni Ina Raymundo.

Kabilang sa pinukol sa eldest daughter ni Ina na si Erika Rae ay ang pagpapalaki umano nito ng dibdib.

“She’s pretty but I hope she didn’t make her busts too big. Comparing some of her pics before her breasts became too big. Pretty girls do not need to exert too much effort,” komento ni @katvalencia1023.

Agad itong pinatulan ni Ina at sinabing, “What are you trying to insinuate? #ignorant.”

Nilinaw ni Ina na insecure pa nga si Erika dahil sa laki ng dibdib nito at mas gusto nitong paliitan ang kanyang boobs.

Masaya aniya si Ina dahil hindi na naaapektuhan ang anak niya ng isyung ito.

Pinayuhan din niya ang basher na mag-iingat sa mga sinasabi.

“If anything, my daughter wants to make her breasts smaller. You have no idea how this made her insecure about her body but I’m happy that it’s not affecting her much anymore. She’s embracing what she has. Be careful with what you say,” wika ni Ina.

Dagdag pa niya, “I beg to disagree. I see a beautiful face more than anything.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?