1,105
ina-raymundo
Sep 21, 2018 @ 19:31
By

Ina Raymundo binatukan ang nanghipo ng kanyang puwet!

Ibinahagi ni Ina Raymundo na isa sa sikreto ng kanyang pagiging younger looking ay ang pagiging fun loving.

Sinabi ito ng napakasesking aktres na tinaguriang Sabado Night Girl nang nag-guest ng live sa Abantelliling nina katotong Rey Pumaloy at Dondon Sermino.

Nabanggit din niya kung paano inaalagaan ang kanyang beauty. “Simple lang kasi ako, hindi ako mahilig magkalikot ng face,” aniya na idinagdag pang hindi raw siya nagmo-moisturizer at powder.

Saad pa niya, “Alam nyo kung bakit kayo mukhang bata rin? Kasi ano kayo, fun loving. Ganoon din ako, fun loving. Iyong mga seryoso sa buhay, feeling ko ay mas maagang nag-e-age. Kailangan talaga ay happy ka lang.

Ang mga anak daw niya ang nagpapaligaya sa kanya.

“Sa akin siyempre yung mga anak ko, siguro nasa disposisyon ko na nga iyong mababaw ang kaligayahan. Pero number-one talaga is eating well, be mindful of what you eat…”

Nang matanong kung naranasan na ba niyang mabastos, ito ang sinabi ni Ina:

“Oh yeah, nahipuan ako sa isang island, dito… lasing siguro. Lahat kami hinipuan niya, yung kapatid ko, iyong kaibigan ko. Tapos iyong huling-huli, ako na iyong hinipuan niya.

“Alam nyo kung ano ang ginawa ko? Binatukan ko siya nang pinakamalakas kong batok. Hindi lang isa, tatlong beses! Tapos…

“Matangkad siya, pero Filipino, hindi foreigner. Alam ko siye eh, alam kong siya talaga. Binatukan ko, tapos ay bigla na lang siyang nawala.

“Ay, palaban ako, palaban ako,” saad pa ni Ina.

Si Ina ay napapanood ngayon saNgayon at Kailanman na tinatampukan nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?