11,525

Ina pinugutan ang mga anak

Pinugutan ng isang ina ang 2 bata na sarili nitong mga anak sa Sitio Landing, Barangay Pinagturilan, Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Ayon sa pulisya, 8-anyos ang batang babae at isang taong gulang naman ang lalaki.

Itak ang ginamit ng 30-anyos na ina sa pamumugot sa dalawang anak.

Saad ng kapulisan, dumaranas ng mental illness ang suspek kaya nagawa ito sa kaniyang sariling mga anak.

Wala umano sa bahay ang ama ng mga bata nang mangyari ang krimen. Ang pamilyang ito ay kabilang sa Alangan Mangyan Tribe.

Inaresto ang ina at mahaharap ito sa kasong parricide. (Jobelle Macayan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?