22,938

By

Ina pinanood ang pag-rape, pagpatay sa dalagitang anak

Ginahasa at sinakal hanggang sa mamatay ang isang 14-anyos na dalagita ng dyowa ng ina nito.

Ang masaklap, nanonood pa ang kanyang ina habang ginagawa ang karumal-dumal na krimen.

Inilarawan ni Sara Packer, ina ni Grace Parker, kung paano pinatay at minolestiya ang kanyang anak ng mismong boyfriend nito na si Jaco Sullivan sa isang attic sa labas ng Philadelphia.

Saad niya tila wala nang gana sa buhay ang kanyang anak at pinabayaan na lamang paslangin ito.

Grace had become, for lack of a better word, a non-entity. She just didn’t exist anymore. I wanted her to go away,” ayon kay Sara matapos masentensiyahan sa kasong rape at first-degree murder ang kanyang karelasyon.

Saad ni Sara, gusto niya umanong mapatay na ang anak dahil nahihirapan umano siyang disiplinahin ito. Kanya pang inamin na sobra ang pagkamuhi niya sa sariling anak at matagal nang pinapantasya ang rape at pagpaslang dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?