209

Feb 22, 2020 @ 22:46
By

Ina ni VP Leni, pumanaw na

Yumao na ang ina ni Vice President Leni Robredo nitong Sabado, Pebrero 22.

Ayon sa personal Facebook page ng Bise Presidente, alas-7:27 ng gabi sumakabilang-buhay si Salvacion Gerona sa edad na 82.

Sisimulan ang burol bukas, Pebrero 23 ng alas-kuwatro ng hapon sa Eternal Chapels and Mortuary, Eternal Gardens sa Balatas Road, Naga City.

“Mommy breathed her last at 7:27 tonight, February 22. Wake will start at 4pm tomorrow, Sunday, February 23, at the Eternal Chapels and Mortuary, Eternal Gardens, Balatas Road, Naga City. Thank you to everyone who offered prayers and sent condolences. Funeral details will be announced in the next days,” sabi ni VP Robredo sa post.

Magugunitang Enero 24, 2020 nang isugod sa ospital si ginang Salvacion pero hindi idinetalye ni Robredo ang tungkol sa sakit ng kanyang ina.

Naka-survive raw ang kanyang ina pero naka-ventilator.

Si ginang Salvacion ay asawa ng pumanaw na Regional Trial Court Judge na si Antonio Gerona.

Naging guro siya sa Universidad De Sta. Isabel, kung saan nagtapos si Robredo ng elementarya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?