31

Apr 8, 2020 @ 15:35
By

Ina ni Karl Anthony-Towns nasa ICU pa rin

Panalangin ang hiling ni Minessota Timberwolves Star Karl Anthony-Towns para sa kanyang ina na nasa intensive care unit pa rin.

Dalawang linggo na nga ang nakaraan nang sumailalim sa isang medically induced coma ang kanyang ina mula ng ito’y magkaroon ng komplikasyon dahil sa COVID – 19.

Ayon nga sa college coach ni KAT na si John Capalari, dasal ang kailangan ngayon ni Jackie.

Sa unang pahayag na ni KAT dalawang linggo na ang nakalilipas, ang kondisyon ng kanyang ina ay palala ng palala dahil sa corona virus disease.

Dagdag pa ni Calari sa sitwasyon ng ina ni KAT, “I just can’t wait to see she gets out of that hospital. But, it’s been a tough road.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?