182

Oct 25, 2020 @ 20:04
By

Ina ni Isko Moreno pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang butihing ina ni Manila Mayor Isko Moreno na si Rosario Domagoso.

Inanunsyo ito ng Archidiocesan Shrine and Parish of Santo Nino de Tondo nitong Linggo.

https://www.facebook.com/stoninodetondoparish/posts/1699209006906846

Bumuhos naman ang pakikiramay para sa alkalde mula sa iba’t ibang barangay sa Maynila.

Nag-iisang anak si Moreno ng kanyang ina at amang si Joaquin, kung saan nanirahan sila sa lugar ng Tondo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?