28

Jul 6, 2020 @ 22:10
By

Ina ni Chanda Romero, pumanaw sa COVID-19

Binawian ng buhay dahil sa coronavirus disease 2019 ang nanay ng beteranang aktres na si Chanda Romero.

Sinailalim sa test para sa COVID-19 ang ina ni Romero noong June 9 at ilang araw ang nakalipas ay natanggap nito ang positive result, ayon sa ulat sa “24 Oras”.

Ani Romero, nagkaroon ng COVID-related pneumonia ang kanyang ina pero bumuti na raw ang pakiramdam nito nang dalhin sa ospital.

Pauuwiin na rin daw sana ang kanyang ina pero bigla siyang nakatanggap ng tawag mula sa doktor na pumanaw na ito.

“They tried to resuscitate her, injected her with epi, and she flatlined,” aniya.

Ikinalungkot ng aktres na wala siya sa tabi ng kanyang ina sa huling minuto ng buhay nito dahil nasa Maynila siya habang nasa Cebu ang huli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?