28

By

Ina ni Cansino inis sa mga UP fan

Sharing is caring!

Hindi nakapagpigil ang nanay ng UST super rookie na si CJ Cansino, inihayag ang kanyang pagkadismaya matapos i-boo umano ang anak nang ma-injure ito.

Sa kanyang mga reply sa Twitter, halos isa-isahin ni Rowena Cansino ang mga nagpapaliwanag sa nangyari, na kitang dismayado sa mga nagsasabing OA ang kanyang anak.

Matatandaan na noong Sabado ay biglaang bumagsak si Cansino sa sahig, at humawak sa kanyang kaliwang tuhod.

Naging dahilan ito upang ii-stretcher ang UST rookie papuntang dugout, na naluluha sa sakit na nararamdaman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?