386

By

Ina ni Atom Araullo hawig ni Liza Soberano

Usap-usapan sa social media ang larawan ng ina ng broadcaster at aktor sa pelikulang ‘Citizen Jake’ na si Atom Araullo.

Dalawang lumang larawan ang tampok sa twitter post ni Atom Araullo na parehong larawan ng kaniyang ina noong kabataan nito.

Kitang-kita ang pagkakahawig ng ina ni Araullo sa kapamilya actress na si Liza Soberano.

Amazed ang mga netizen sa naturang larawan.

Saad ng mga fan, napakaganda pala ng ina ni Araullo kaya’t hindi kataka-takang gwapo ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?