530

Jun 22, 2022 @ 18:13
By

Ina ng lady driver na kinatay sa Laguna nagmakaawa, suspek malaya pa

Nagpasaklolo na sa publiko ang ina ni Jang Lucero, ang babaeng TNVS driver na natagpuang tadtad ng saksak sa Calamba, Laguna noong June 2020.

Hindi pa kasi nahuhuli ang suspek kahit may inilabas nang warrant of arrest ang korte.

Sa kanyang Facebook account idinaan ni Ginang Angela Lucero ang panawagan, kung saan pinangalanan niya ang salarin.

“Humihingi po ako ng tulong sa taong bayan na mahuli itong suspect na ito na may warrant sa Branch 105 Calamba Laguna,” saad niya.

“Murder case, Sayma Gutasilion Abubakar, alias Althea Ramos and Aiki Yoshida. Kung sino man ang makapagturo sa taong ito. paki call nyo ang no. na ito 09063145675_kong sino man makapagturo sa walang kaawang pagpatay sa anak ako 52 saksak karumal. dumal walang puso.pinatay noong June 28, 2020 c jhang Lucero,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?