64

Feb 23, 2021 @ 19:48
By

Ina ng batang nasawi matapos tusukin ng kutsara saksakan, nagsisisi

“Sana hindi ko na lang siya iniwan. Sana hinawakan ko na lang siya,” — ito ang pahayag ng ina ng 2-anyos na batang nasawi matapos makuryente sa Quezon City.

Nautas kasi ang anak niyang lalaki matapos isaksak ang kutsara sa extension cord.

Kinilala ang biktima na si Jake Angara.

Ayon sa ulat ng GMA News, katatapos lang ipagdiwang ni Jake ang kanyang kaarawan noong Pebrero 7.

Kuwento ni Eloisa, ermat ng bata, humingi ng gatas si Jake kaya ipinagtimpla niya ito.

Aniya, iniligay niya ang kutsara sa mataas na lagayan para hindi ito maabot ng bata.

“Nu’ng time na bubuksan ko na ‘yung ano, ‘yung pintuan, may pumutok. Kinabahan ako, pero akala ko may nalaglag lang,” wika niya.

Napasigaw ang asawa ko. Ang sabi niya, ‘Bem, si Jake, na-ground!'” pagpapatuloy niya.

Doon na napag-alaman na tinusok ng bata ang kutsra sa saksakan.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang bata at ni-revive ngunit binawian din ng buhay.

Malaki naman ang naging pagsisi ng ina sa nangyaring trahedya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?