38
ABANTE tiklo jail arrested crime girl theft
By

Ina na nagpapatay sa sariling anak, tiklo

Sharing is caring!

Makalipas ang 14 na taon, mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng isang anak dahil sa away sa lupa.

Ayon sa ulat, nahuli na ang 94-anyos na nanay nito na umano’y nagpapatay sa kaniyang anak noong 2004.

Agad ikinasa ang pag-aresto kay Flaviana Sagapsapan nang lumabas na ang warrant of arrest laban sa kaniya.

Itinuturo ang matanda at ang yumao nitong asawa sa pagkamatay ng kanilang anak matapos magalit nang sabihin ng anak nilang siya na muna ang tatanggap sa kikitain ng kanilang lupain na tinubos nito sa pagkakasangla.

Nakakulong na ngayon sa isang istasyon ng pulisya sa Dapitan City si Sagapsapan at nahaharap sa kasong parricide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?