803
arrested
Jun 16, 2018 @ 5:08
By

Ina na nagbebenta ng ‘porno’ ng anak, timbog sa Davao City

Kalaboso ang isang nanay na nagbebenta ng mga malalaswang video ng mga menor de edad kabilang ang sarili nitong anak sa Davao City.

Dinakip sa isang entrapment operation sa lungsod nitong Biyernes ang ina na ibinebenta ang mga ginagawa nitong video sa mga dayuhang parokyano na nakakausap nito online.

Nasagip din at nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang apat na menor de edad na kinukunan nito ng malalaswang video.

Iniaalok umano ng suspek ang mga video sa halagang P2,000 hanggang P4,000 sa kanyang mga buyer.

Itinatanggi ng suspek ang paratang sa kanya at iginiit na mga larawan niya at hindi video ng mga bata ang ibinebenta niya sa mga dayuhan nitong parokyano.

Patung-patong na kaso ang haharapin ng suspek kabilang ang paglabag sa anti-trafficking law, cybercrime prevention act, anti-child pornography, special protection of children against abuse, exploitation and discrimination act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?