170
Lalaki tinadtad ng saksak saka itinapon sa poso negro
By

Ina na lulong sa droga, bunso pinatay, 1 pang anak pinagsasaksak

Karumal-dumal ang sinapit ng dalawang paslit sa kamay mismo ng kanilang ina sa bayan ng Rizal, Laguna.

Ayon sa mga awtoridad, pinatay ng 30-anyos na ginang ang kaniyang 5-taong gulang na anak na babae sa pamamagitan ng pag-suffocate.

Kinilala ang suspek na si Ana Loraine Medalla, 30-taong-gulang, residente ng Viriña Subdivision sa Barangay Tuy.

Nasa ospital naman ngayon ang 11-taong gulang na panganay na si Keisha Kayle Caponpon matapos niyang saksakin ng gunting ng 26 beses.

Ayon kay Capt. Lindey Tibuc, hepe ng Rizal Municipal Police Station, nadiskubre Martes ng umaga ang krimen sa bahay ng mag-iina.

Naaresto ang ina na ikinatuwiran sa mga pulis na hindi umano tao ang kaniyang tingin sa mga bata.

Ayo pa kay Tibuc, lulong sa iligal na droga ang ina ng mga bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?