86

Jun 15, 2020 @ 17:25

Ina inggit kay Jessy

NI: ROLDAN CASTRO

May espesyal na kinakain si Jessy Mendiola para todo ang kanyang kaseksihan. Grabe kasi ang hotness niya.

Sey ng aktres sa kanyang IG account, “ ipapakita ko sainyo kung ano ang aking meals para maachieve ko ang ideal weight ko! (the struggle is real lol)

“Marami kasing nagtatanong (yes guys I read your messages and comments ) kung ano daw kinakain ko para maging healthy or fit. May mga ilang tao din na curious naman sa laman ng ref ko.

“Hopefully makakuha kayo ng tips sa vlog ko about healthy food alternatives to help keep your body healthy & strong, especially during quarantine.”

Komento ni Ina Feleo, “Ang konti!Kailangan ko talaga magbawas ng kain kung gusto ko ma-achieve tong kaseksihan mo.”

Bagamat maganda na ang porma ni Ina dahil sa workout tila naiinggit pa siya sa hubog ng katawan ni Jessy. Mukhang hindi pa siya kuntento sa timbang niya.

Sey naman ni Jessy, “@ina_feleo tuwing napasobra ng kain the day before ganyan ginagawa ko pambawi.”

“Tama! Balanse! More more videos ples. Pati week of workout,” pakli ni Ina.

Nag-react din ang boyfriend ni Jessy na si Luis Manzano na siya na lang ang taga-ubos ng pagkain .

“Ako lang naman umubos sa laman ng ref,” aniya.

Teka nagli-live in na ba sila?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?