81

By

Ina iginanti ang anak: Rapist pinutulan ng ari

Nahaharap sa kasong attempted murder ang isang ina matapos niyang ipaghiganti ang anak niyang ginahasa at pinatay ng isang lalaki.

Humarap si Veronique Makwena, 23, sa South African court matapos niyang ipaghiganti ang 5-anyos niyang anak sa pamamagitan ng pagputol sa ari ng pinaniniwalaan niyang rapist.

Kuwento ni Makwena sa News24, iniwan niya ang anak sa isang kaibigan na nakatira sa kanila dahil may sakit ito at mamimili sila ng ate niya.

Gabi na sila nang makauwi at wala na umano ang kanyang anak.

Hinanap nila ang biktima pero kinailangan nilang huminto dahil gabi na pero bumagabag sa isip niya ang naiwang sapatos ng anak dahil hindi raw ito lumalabas ng bahay nang walang suot na sapatos.

Natagpuan ang mga labi ng bata isang araw matapos nitong mawala, puno ng dugo at iniwan sa public toilet na malapit sa kanilang bahay sa Port Elizabeth noong Agosto.

Tatlong babae ang inaresto kabilang na si Makwena matapos nilang komprontahin ang suspek na nasa edad 20s na kakilala nila at pinaniniwalaang siyang gumahasa sa bata.

Isinailalim sa DNA testing ang lalaki pero hindi pa ito maaaresto habang hinihintay pa ang resulta.

Hindi idinetalye kung paano pinutol ang ari ng suspek, pero sa ospital ay pinangalanan niya si Makwena at dalawa pa na siyang responsable sa nangyari.

Tagumpay na naikabit ang ari ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?