873

Mar 7, 2018 @ 17:12
By

Ina Feleo seksi kahit matakaw

Kung nais na magkaroon ng bikini-ready body ngayong summer, gayahin lang ang 30-minute workout ng aktres na si Ina Feleo. Ibinahagi ni Ina ang kanyang secret kung bakit well-toned ang kanyang arms and legs, pati na ang pagiging flat ng kanyang tiyan at maganda ang hugis ng kanyang likuran.

Ginagawa raw ni Ina ang kanyang 30-minute workout anim na beses sa isang linggo.

“Feeling ko, it’s a constant process of getting stronger, and getting better every time may bagong goals,” sey ni Ina.

Hindi raw kumpleto ang araw ni Ina kapag hindi ito nakakapunta sa gym para mag-workout. Sanay na raw ang katawan niya na napapawisan, pero hindi naman daw siya tumatanggi sa mga paborito niyang mga pagkain.

“If there’s a day na hindi ako nagwo-workout, medyo I feel like may kulang.

“I eat a lot of carbs. Hindi ako masyado restrictive sa diet. Pwedeng-pwede i-burn ang mga kinain sa gym,” pagtapos pa ni Ina Feleo na kasama sa advoca-serye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?