109

Sep 1, 2018 @ 15:42
By

Ina Feleo na-challenge sa bagong pelikula

First time sasabak ng Kapuso actress na si Ina Feleo sa ToFarm Film Festival na magaganap mula September 12 to 18.

Ang entry ni Ina rito ay ang tinampukan niyang science fiction movie na ‘Alimuom’ na isinulat at pinamahalaan ni Keith Sicat. Kasama niya sa pelikula sina Epi Quizon, Mon Confiado, Dido Dela Paz, Elora Españo, Kiko Matos, at iba pa.

Paano niya ide-describe ang pelikulang Alimuom?

Pahayag ni Ina, “Sci-fi film siya. Tungkol sa panahong hindi na puwedeng magtanim sa planeta natin dahil sobrang toxic na. Ang mga ‘OFW’ ay yung mga Filipinong nagtatrabaho na sa ibang planeta. Tungkol din siya sa paglaban sa malalakas na puwersa na maraming ipinagkakait na impormasyon sa atin.”

Saad pa niya, “Kakaiba siya, definitely. Ito yata ‘yung ToFarm movie na halos walang makikitang greens. For me, style-wise ibang experience din working with my director, kasi iba yung imagination niya at kailangan ko talagang sakyan ‘yun.

“Masaya yung challenge sa paggawa ng pelikulang ito.”

Ang Alimuom ang pagbabalik sa lead role ni Ina. Prior to this, nagbida siya sa Endo at Sanglaan. Ang last lead role naman niya ay sa pelikulang Maskara, directed by Genesis Velasco.

Mapapanood ang ToFarm sa mga sumusunod na sinehan: Trinoma, Greenbelt 1, Gateway, SM Megamall, SM Manila, Robinsons Galleria, Gaisano Davao, and Ayala Mall Legazpi (Bicol).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?