595

Sep 26, 2019 @ 14:38
By

Ina dinadawit sa ‘drug queen’, JV nagreklamo

Pinatamaan ng dating senador na si JV Ejercito ang ilang media dahil sa tila paggamit ng pangalan ng kanyang ina na si dating San Juan City Mayor Guia Gomez para i-report ang pinangalanang drug queen sa Maynila.

Sa Twitter, pumalag si Ejercito dahil dapat umano’y Kapitana Guia Castro ang gamitin ng mga news outlet sa pagpapangalan sa drug queen at hindi Guia Gomez na kapareho sa kanyang ina.

“There was malice in reporting by some news agencies. They could have used Kapitana Guia Castro instead of “Guia Gomez” Castro,” ayon kay Ejercito.

Hindi rin umano magpapaapekto ang kanilang mga constituent sa San Juan sa tinawag ni Ejercito na ‘dirty tricks’.

“San Juaneños know what kind of person my mother, the real Guia Gomez is. They will not bite into these dirty tricks,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?