15

Nov 30, 2020 @ 20:21
By

Ina bet maging manugang si Julia

Sinabi ni Ina Raymundo na posibleng maging daughter-in-law niya si Julia Barretto.

Sa second episode ng vlog na “Drink and Spill” ni Julia noong Nov 28, naging guest niya si Ina.

Para kay Julia parang nanay na rin niya si Ina sa sobrang close nila.

“She’s just somebody that I call my mom. I always tell her, ‘You’re half my mom and you’re half best friend.’ That’s just the kind of relationship that I was able to build with her. Not a lot of people know that we have this kind of relationship,” aniya.

Madalas na magkasama sa mga proyekto sina Ina at Julia kabilang na ang “Vince and Kath and James”, “Ngayon at Kailanman”, “Block Z” at “I Am U”.

Patungo sa huling bahagi ng vlog ay kinantiyawan ni Ina si Julia na maaari niya itong maging manugang dahil may crush daw ang anak niyang si Jacob sa aktres.

“He has a crush on you. Maybe you’ll be my daughter-in-law. Kaya pala ‘yung feeling ko sa kanya, para ko siyang daughter kasi daughter-in-law ko pala siya in the future,” sey ni Ina.

Sagot ni Julia, “Why not? You don’t mind if I’m way older than your son?”

Panoorin sa ibaba ang buong vlog:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?