266

By

In-unfollow sa IG: Carlo ayaw nang makasama ni Angelica

Nadamay tuloy si Carlo Aquino dahil sa pamba-bash ng isang fan kay Angelica Panganiban dahil sa pagpo-post nito at pagsi-share ng kanilang sweet photos together, samantang si Carlo ay dedma naman daw sa mga post na ito.

Inakusahan pa si Angge ng netizen na ito sa impact daw nito sa buhay ng kanilang idolo, at para raw silang mga bata pa when in fact pareho na silang over 30s.

Mukhang tinamaan ang Kapamilya actress sa tila pang-iinsulto ng basher sa kanya kaya nag-arrive siya sa isang desisyon na nadamay niya ang anumang meron sa kanya ng Kapamilya actor at ex-boyfriend.

Ayon sa kanya, para sa ikasisiya ng mga umiidolo kay Carlo at hindi niya alam na nao-offend na pala niya ang mga ito, isasakripisyo na lamang niya ang anumang namamagitan sa kanilang dalawa.

Diretsahang sinabi niya na lalayuan na lang niya ang kanyang ka-partner sa box-office hit na Exes Baggage, at hayun nga, in-unfollow na rin niya si Carlo sa IG nito.

Sabi pa niya na nasasaktan na rin siya at ayaw na niya ng mga kanegahan, kaya hayun, tatapusin na lang niya ang lahat.

Pero para naman sa iba na pareho silang gusto, unfair naman daw ang ginawa ni Angge dahil dapat napag-usapan nila muna ito ni Carlo. Bakit kailangan pa raw siyang magpadala sa emosyon dahil lamang sa mga basher na kailangang masakripisyo na ang sa kanila ni Carlo?

Wala pang balita sa reaksiyon ng nali-link sa kanya, pero sa palagay ng lahat ay aayusin niya ito at magiging okey na ulit ang sitwasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?