9

Feb 4, 2021 @ 19:25
By

Imported baboy sa mga grocery sakop ng price cap

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kasama rin sa 60-day price cap ang mga imported na karne ng baboy na ibinebenta sa mga supermarket.

“Kahapon po, nangako ang DTI [Department of Trade and Industry] sa pamamagitan ni Secretary [Ramon] Lopez na henceforth magkakaroon po ng label na imported ang baboy na binibenta sa supermarket,” lahad ni Roque.

“At kapag ito ay imported na baboy, subject na rin po siya sa price cap,” dagdag niya.

Ani Roque, magkakahalaga ng P114 kada kilo ang imported pork.

Sa inilabas na price ceiling ni Pangulong Rodrigo Duterte, itinakda nito sa P270 ang kada kilo ng kasim o pigue, P300 kada kilo sa liempo at P160 ang isang buong manok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?