Import Rountree bumida sa panalo ng PayMaya vs Tacloban

Sharing is caring!

Naging impresibo ang unang laro ng import na si Tess Rountree para sa PayMaya High Flyers matapos sagasaan ang Tacloban Fighting Warays, 25-8, 33-31, 25-20, sa kanilang unang laro sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kanina sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagtala si Rountree ng 21 puntos at 11 digs habang ang kapwa niya import na si Shelby Sullivan ay nag-ambag ng 15 puntos. May siyam na puntos naman si local star Gretchel Soltones.

Nagpakita agad ng lakas ang High Flyers sa unang set at walang maisagot ang Fighting Warays sa mga spikes ni Rountree.

Naging dikdikan ang laban sa second set kung saan nagtulungan sina veteran import Hyapha Amporn at skipper Jovielyn Prado subalit naungusan din sa huli ang Fighting Warays.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?