172

By

Import ng RoS nahihibang

Nahawa pati ang Rain or Shine locals sa kalituhan ni import Kayel Locke.

‘Di aniya malaman kung saan siya lalaro, sa wings o bilang big.

Tapos ng 78-71 loss ng Elasto Painters sa Alaska nitong Linggo, nabanggit ni coach Caloy Garcia na pinag-iisipan nila kung magpapalit na ng import.

Pangalawa si Locke ng RoS sa PBA Governor’s Cup tapos ni Joel Wright na ‘di rin epektibo. Nasa kailaliman ng standings ang Painters sa 1-5.

Puwede pang humabol sa top 8 teams na aabante sa quarterfinals ang Painters, kailangan lang walisin nila ang huling anim na laro.

Team-best ang 25 points ni Locke na sinahugan ng 10 rebounds laban sa Aces, pero ‘di siya makasabay sa teammates. Mas nanatili pa sa laro ang Rain or Shine nang locals ang nasa loob sa third habang nakaupo si Locke.

Si RoS veteran Beau Belga, nalilito na rin sa import nila.

“Medyo naguguluhan. Ta’s naaano kami sa import namin kung ano ang gusto niyang mangyari,” anang center.

‘Di aniya gamay ni Locke ang papapalit-palit na puwesto, kung maglalaro ng wing at ibabalik bilang big man. Sa ensayo ay nakikita ng team na maayos naman si Locke.

“Sa tingin ko, naguguluhan kung lalaro siya ng wingman or big. Medyo nako-confuse siya. Sinasabi naman namin sa kanya kung ano spot niya, kung ano dapat niyang gawin…” pabitin ni Belga.

May isang linggo na magdedesisyon ang Painters kung magpapalit ng import. Sunod nilang laro sa Okt. 23, ’19 laban sa Blackwater. May ideya na si Garcia kung ano ang hinahanap niyang import.

“An import who can play in the inside,” lahad niya. “Kasi (kay Locke) nawawala touches ng guards namin, and everybody knows [that] ang strength ng game namin is anchored on our guards.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?