39

May 14, 2018 @ 11:50
By

Implementasyon ng MOU ng Pinas, Kuwait dapat apurahin – solon

Hindi pa umano natatapos sa pirmahan ng memorandum of understanding (MOU) ang pagtiyak sa proteksyon ng Filipino domestic workers sa Kuwait.

Sabi ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy, dapat apurahin ang implementing mechanisms ng MOU para matiyak na maipatutupad ang nilalaman nito.

Ayon kay Herrera-Dy, ito rin ang dapat maging basehan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kung dapat nang bawiin ang deployment ban sa Kuwait.

Hiniling ng kongresista sa DOLE at OWWA na mabigyan ang Kongreso ng update sa detalye ng negosasyon at sa implementing mechanisms ng MOU.

Binati naman ng mambabatas ang mga negosyador ng Pilipinas sa pangunguna ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kasama sina dating DOLE Secretary Marianito Roque, at OWWA Deputy Administrator Arnell Ignacio sa matagumpay na pagbalangkas sa kasunduan at paghimok sa Kuwaiti government na sang-ayunan ang mga detalye ng MOU.

“They proved their competence at diplomacy and mastery of labor and OFW issues. Our OFWs and the country thank them for their service at this crucial juncture in PHL-Kuwait relations,” ani Herrera-Dy.

“With Congress resuming session shortly, a House Resolution thanking and congratulating the Philippine negotiators would be in order,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?