84

Jul 26, 2021 @ 16:34
By

Impersonator ni Sharon Cuneta pumanaw sa edad na 45

Yumao na ang kilalang impersonator ni Sharon Cuneta na si Ate Shawee sa edad na 45.

Sa ulat, sinabi ng pamangkin ni Ate Shawee, o Marvin Martinez sa tunay na buhay, na pumanaw ang comedian dahil sa liver cirrhosis.

Ayon kay Rafaela de Jesus, lumala ang kondisyon ng kanyang tiyuhin noong June at kinailangang maospital.

Kamakailan ay nagsama-sama ang mga kaibigan ni Ate Shawee para makakalap ng pondo para sa kanyang liver transplant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?