342

Feb 3, 2019 @ 21:20
By

Impersonator ni Duterte pinagkaguluhan sa HK

Isang impersonator ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagdulot ng kalituhan sa isang simbahan sa Hong Kong, China nang pumasok ito sa Hong Kong church na popular na pinupuntahan ng mga Pinoy.

Naganap ito sa mismong misa noong Pebrero, 3, Linggo.

Kasama nitong pumasok sa simbahan si Howard X, ang Hong Kong-based impersonator ng North Korean leader na si Kim Jong Un, ang Pinoy actor ay dumating sa St. Joseph’s Church nang nakasuot ng signature outfit ni Duterte na puting shirt.

Daan-daang nagsisimba ang nakapuna sa impersonator na may stage name na Cresencio Extreme, at kumuha ng picture nito

Tumahimik naman ang mga ito nang maglaon at itinuloy ang misa ngunit marami paring hindi mapigilan ang pagsulyap sa impersonator ng Pangulo.

Nang matapos ang misa ay hindi napigilan ng ilang mga Pinoy na tumili, matuwa at kumuha ng larawan ng ‘Pangulo’ habang kumakaway ito at kinakamayan ang mga tao.

Ang ilang netizen ay ineksamin ang larawan at nagtaka kung bakit walang body guards na kasama ang ‘Pangulo’.

Isang babaeng nagpakilalang Linda ang nainis sa ginawa ng impersonator.

“Coming in here to make a scene — our Duterte is not like that,” saad nito sa Agence France-Presse.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?