162

Dec 20, 2017 @ 14:21
By

Impeachment vs Sereno ni Gadon, mahina – Macalintal

Naniniwala ang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal na mahina talaga ang impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Macalintal na matagal na niyang pinag-aaralan ang mga impeachment case gaya na lang noon ni dating Pangulong Joseph Estrada kung saan nagkomento siya noon ng totoo pero tinanggal siya sa Channel 4 dahil sa mga ipinahayag tungkol sa impeachment case laban kay Estrada.

Paliwanag ni Macalintal, ang naging pagpupumilit ni Gadon na paharapin sa Kamara si Sereno ay senyales umano na mahina ang kanyang isinampang impeachment laban sa Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Pananaw ni Macalintal, hindi na kailangan pa umanong humarap sa Kamara si Sereno dahil marami umanong sinasabi ang mga kongresista na guilty na agad si Sereno.

Giit ni Macalintal, hindi dapat maging acting judge ang mga kongresista at dapat umanong prosecutors lang sila at hindi umaasa lang sa sariling ebidensiya, dapat ay base sa malakas na ebidensiya ang isasalang sa Kamara. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?